20051013

SOPATATAK OK GNAL ASABGAM GN DATKILAB (a re-post)

CORE-RELATE! 02.03.05 Kuwentong barbero. Hmm. Apektado ako. Pinoy ako, eh. Bakit nga ba hindi makabangon ng lubusan ang Pinoy? Kailangan pa ba ulit ng isang kamay na bakal para lang maisa-direksiyon ng tama ang bansa natin?

Hindi naman ako talaga, uhm, patriot. Pero hindi ko rin naman ikinahihiyang Pinoy ako. Siguro dahil sa hindi pa ako nakatuntong sa ibang bansa. At so far, ang pinakamalayong narating ko ay ang Batac… rather, ang Laoag.

So, saan ba patungo ang entry na ito? Sa ngayon, hindi ko pa alam. Basta ang alam ko, gusto kong pagnilay-nilayan at pabulay-bulayan ang nabasa ko. Apektado ako. Kaya tuloy, Tagalog ngayon ang pagsusulat ko.

Siguro nga mahihirapan talaga tayo umunlad kase kung ang lahat o karamihan sa atin ay tulad kong:

May sakit na “mamayanalang-itis”
Hindi magaling
Hindi matalino
Hindi disiplinado
Walang pakialam
Piping tagapag-masid
Ayaw makialam
Walang alam
at marami pang ibang katangiang nagsasabing “walang silbi sa lipunan,” naku patay na.


Kase, first and foremost, may mga bagay na puwede nang gawin ngayon, puwede nang bigyan ng solusyon, ipagpapaliban muna. Katulad halimbawa ng… ehersisyo. Gising na ako, may sapat na tulog para sabihing nakapag-recharge na ako ng energy. Pero mas pinili ko pa ang magbasa ng pabaliktad. (“Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Filipino?” Bob Ong) Pero, may mabuti naman na naidulot. (Kung meron nga ba talaga, eh, malalaman ko pagkatapos ng mukhang mahabang journal entry na ito). Eto tuloy, dagdag calories na naman. (Kase shempre, ang sarap yatang ngumata-ngata habang nagbabasa).

Hindi magaling. Hindi matalino. Paano nga ba nasusukat ang galing at talino? Sa akin kase, ang matalino eh yung pinapalakpakan, hinahangaan, dinadakila. Matalino yung maraming alam o kahit konti lang ang alam, madiskarte naman. Kung mali ako, pakisabi sa akin. Kaya nga ako nagsusulat ng ganito, hindi ko kase sigurado kung tama ang iniisip ko.

Hindi disiplinado. Eh kase nga, puwede nang gawin, ipagpapabukas pa. Minsan nga, naka-schedule na, ayos na, hindi pa susundin. Ayaw ng direksiyon. Masyadong “bahala na” ang pananaw. Bahala na kung tumaba, bahala na kung tumandang walang alam, bahala na kung walang maipon para sa kinabukasan, bahala na kung…

Maging isang piping tagapag-masid na lang. Sige, may alam ako. Nalalaman ko sa ibang tao. Hindi ko na aalamin kung ano ba talaga ang totoo. Puwedeng naaapektuhan ako pero kibit-balikat na lang ako sa posisyon ko kase may magagawa ba ako?

Kaya ayoko na lang makialam. Ayos na yung ganito. Hindi naman ako kuntento pero puwede na siguro, maskipaps. Ayos na yung wala akong alam sa problema ng iba. Kailangan ko nga ng solusyon sa mga problema ko e, aalalahanin ko pa ba ang iba?

‘Yan. ‘Yan ang sinasabi ko. Pareho ba tayo? Siguro hindi sa lahat ng oras at pagkakataon. Pero, nakaka-relate ka ba? Paminsan-minsan, ganyan.

‘Yan nga. Eto na nga. Eto na yung sinasabi ni Bob Ong na “walang pumapansin sa nag-aapoy na lagnat ng Pinas… walang gusting magbigay ng gamot.”

Kase, kung sarili ko na nga lang, hindi ko pa lubusang maisaayos e, bansa ko pa kaya?

It all boils down to focus talaga. Discipline. You want something, you go for it and you deal with the obstacles head-on. You stick with the plan and when it fails, you utilize your back-up. Easier said than done? Nothing can be done unless you start doing it. It takes a lot of not only guts but will power, a self-shove, to get the desired results. RESULTS.

Sa sistemang inaanay na ng corruption, kahit paano naman siguro meron pa ring natitirang butas (kahit ga-karayom) na puwedeng lusutan ng pagbabago. Resultang positibo.

Ang hirap naman nito. Pero, kakayanin ko. Kailangan kong mag-exercise para humaba ang buhay ko at mabawasan ang unwanted fats ko.
Sit Up
Sa ngayon, 54:1 ang P:$ ratio, umaangat daw ang ekonomiya, hudyat ng pag-asenso. May mga investors na muling nagbigay ng daan para buhayin ang nararatay nating mining industry…

Teka, nawawala na yata ang direksiyon ko.Sleepy Inaantok na ako sa sobrang kabusugan. Sobrang katakawan. Ganito din siguro ang feeling ng mga ganid na opisyal sa pamahalaan (hindi lahat, yung iba lang naman). Kaya tutulog-tulog, sobrang busog.

Ayoko na. Tama na muna. Antok na talaga ako.
Tired

No comments:

Post a Comment

I value your feedback but NO SPAM please. Thanks for core-relating! :)

my archives..